Mula sa kaibuturan na aking puso maraming salamat sa Diyos dahil naging part ako ng J1C, Juan 1n Christ Single Ministry.
Maraming salamat sa mga taong bumuo ng J1C, at sa mga naging kasama ko ngayon mga Servant Leader.
Ano nga ba ang Please forgive me na ito?
Please forgive me ay isang evaluation sheet na aking pinagawa sa mga kasama ko sa J1C upang sa ganun ay mas mapabuti ko at mas maging maayos pa ako bilang isang tao,mamayang Pilipino at maging isang tagasunod ni Kristo.
Hindi tayo pwedeng maging perfect, lahat tayo ay may kapansanan at pagkukulang sa buhay,subalit pwede tayo maging excellence.
Pero paano tayo magiging excellence kung hindi tayo matututong tumanggap ng pamimintas,pamumuna or pagtatama sa ating mga kilos at gawa,paano tayo magiging excellence kung sarili lang natin ang ating pinakikingan,paano tayo magiging excellence kung sobra tayo magreact instead of asking Lord,ask forgiveness and help to God that he will help us to transform our life.
Akala natin yung mga maliliit na bagay ay baliwala lang pero pwedeng lumaki at lumalala hangang sa hindi natin namamalayan nakakaperwisyo na pala tayo.
Akala natin natutuwa ang mga kasama natin yun pala,hindi na! Akala natin we are good example to other and we influence them but the truth is they hate us or nakakasira na tayo ng kanilang oras at hindi na natin sila pinahahalagahan.
Kaya sa lahat ng nagcomment,hindi na mahalaga kung sino kayo? ang mahalaga naging honest kayo at malaking bagay ang mga bagay na nalaman ko.
Dahil minsan hindi ko naman alam na may mga bagay na pala na hindi ko napapansin ay hindi na maganda.
Kaya buong puso akong hihingi ng tawad sa inyo sa mga pagkakasala na aking ginawa lalong lalo na sa pagiging Bossing,Judgmental,Late, at umiikling pasensya.
Again, Uulitin ko malaking bagay itong ginawa ninyo. At naway ako ay inyong ipanalangin at ako ay magbago para sa lalo ko pang ikakabuti,para magserve and to glorify God.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento