Dati nangarap ka lang,ngayon ang pangarap mo ay matutupad
na, Dati nais mo lang, ngayon mangyayari na.
Dati nagdududa ka pa kung magagawa
mo bukas April 16, 2016 makakamit mo na.
Sinong makapagsasabi hindi mo kayang gawin,sinong
makapagsasabi wala kang kayang gawin.
Ngayon napatunayan mo na kayang mong gawin ang mga bagay na
akala ng iba hindi mo kayang gawin
Ngayon ng dahil sa iyong commitment, patient and
perseverance ikaw ay makakamit ng tagumpay
Sa bawat pangarap laging merong sakripisyo, laging may mga
bagay kang dapat bitawan para makamit mo lang ang isang bagay na makakatulong
sa iyo.
Sa larangan ng sports kapag nakita nilang mas lamang sila sa
iyo at medyo ikaw ay mahina tatalunin ka nila ng ganung kadali.
Sa Larong
Volleyball kapag nakita nila mas lamang sila sa tangkad iisipin nila kayang
kaya ka nila.
Kapag medyo rookie ka iisipin ng kalabang mong team “Wala yan
hindi nila kami kayang talunin”.
Tatawagin kang underdog dahil hindi ka lamang
sa kanila.
Subalit ang underdog ay pwedeng talunin ang malakas,dahil
kung sino ang nagprepare,nagcommit,nagpersevere,hinabaan ang pasensya at mas
uhaw na uhaw na manalo, ang underdog ang syang mananalo.
Sa buhay kung nais mo talagang ikaw o kayo ay manalo, "Mananalo ka", kung takot,tamad,ubod ng daming excuses sa buhay at ayaw mong lumaban "Matatalo ka"
.
Kung hindi ka uhaw para magtagumpay kahit kelan hindi ka
magtatagumpay.
May kasabihan nga tayo “Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang
gawa at nasa Diyos din ang pagpapala”
Huwaran na ang inyong nais ay matuto,umunlad at matapos ang isang bagay para sa ikakaunlad ng inyong buhay spiritual,Nagpatuloy tayo sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan. Umulan,umaraw at bumagyo pumpunta kayo,May pera ka man o wala sumisipot ka pa rin. May pangkain ka man o wala hindi mo na pinapansin.
Palipat lipat man ng lugar sumusunod ka lang.
Mawalan man ng lugar nagpatuloy ang laban.
May support man o wala tumuloy ka lang.
Kaya sa iyong pagtatapos naway baunin mo ang mga aral na inyong natutunan,ang mga kwento na dapat ninyong baunin at isapuso at ating gawin ang mga aral na ating inaral.
Dahil mawawalan ng saysay kung hindi natin gagawin ang mga bagay na ating napag-aralan
Ordinaryo ka man sa mata ng iba,,sa iyong ginagawa isang araw magiging extra ordinary ka.
Sa Diyos lamang ang lahat ng papuri at pasasalamat
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento