Lunes, Oktubre 10, 2016

Ang Pagiging isang mas Mabuting Tao

Minsan akala natin nasa tama tayong landas
Minsan akala natin tayo na ang pinkamagaling sa mundo
Minsan dahil tayo ang Leader ng isang samahan,organisasyon at komunidad tayo na ang pinakamagaling,pinakamatalino at pinakamakapangyarihan,
Ngunit hindi natin alam at hindi na rin natin namamalayan tayo na din ang sumisira ng lahat

Sa pagiging mahusay na tao may mga bagay na ako ay natutunan na nais kong ibahagi sa inyo.

Sa Pagigiging mas Mabuting Tao kailangan nating Makinig.

     Sa panahon ngayon dapat matuto din tayong makinig sa sinasabi ng iba tungkol sa atin,tungkol sa nangyayari sa paligid at tungkol sa maraming bagay bagay na dapat nating ayusin sa ating sarili at sa ating kapaligiran. Kailangan matuto tayong makinig kung ang ating ginagawa ay mali at hindi na tama, Kung hindi na nakakatulong sa nakakarami at ang ating sarili na lang interest ang ating pinakikingan.Sa pakikinig hindi lang isang side lang ang pinakikingan dapat both side.Hindi DIKTATOR ang pinaiiral,kung hindi isang malaya,maayos at mapayapang pamaraan,Hindi init ng ulo ang pinaiiral kung hindi isang sobrang napakahabang pasensya.


Sa Pagiging mas Mabuting Tao Kailangan nating Magpakumbaba

      Sa panahon ngayon tila wala na atang gustong magpatalo,tila lahat magaling, tila kung sino ang majority kahit mali sya ang dapat umiral.Kaya ang ending away away ang katapusan at walang hangang bangayan. Sa totoo lang nakakapagod ang ganitong eksena, Walang gustong magpatalo dahil lahat gusto manalo.Bakit kaya hindi natin igalang din ang opinion ng iba, oh baka kailangan din natin pag-aralan ang sinasabi ng iba, baka naman tama sila at tayo ang mali. Sa pagpapakumbaba kailangan nating marealize na hindi tayo laging tama hindi lahat ng ating opinion ay tama at hindi lahat ng ating nais ay makakabuti sa mas nakakarami.Bakit hindi nating gawing Major of the Major Minor of Minor.. Let us choose our fight. Hindi lahat ng laban dapat ay patulan. May mga laban na dapat ipaglaban at may mga laban na hindi na dapat ipaglaban.

Sa Pagiging mas Mabuting Tao Kailangan nating Makilala at Umasa sa Diyos

      Sa panahon ngayon ang tao wala ng batayan sa buhay, ang batayan na lang natin ang ating OPINYON,EMOSYON,NARARAMDAMAN, at KARAPATAN. Lagi nating pinaiiral ang kasabihang "Kung saan ka masaya suportahan kita".Kaya kahit masama na ang kinalalabasan tuloy ka parin sa paggawa. Wala tayong basehan at batayan ng isang tunay at totoong batayan ng buhay. Tayo ay mga pipi,bulag at bingi dahil hindi natin alam ang ating tunay na basehan.
Ngunit kung tayo ay maghahanap ng kasagutan at isang tunay na basehan ay 2000 years ng nasulat ang basehan ng katotohanan at ito ay ang Salita ng Diyos na tinatawag nating Bibliya or Bible. Sana kung ating babasahin at isasabuhay nating lahat ang sinasabi ng Bible tiyak na makikilala natin ang ating Panginoong Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa, ang syang ating tunay na pag-asa at makapagbibigay ng tunay na pagbabago sa ating buhay para sa pagiging mas mabuting tao. Dahil sa kanyang mga salita ay tunay nating malalaman ang katotohan na syang magpapalaya sa atin sa kahirapan,kaguluhan, at kasamaan.
Dahil si Jesus ang syang tunay na Liwanag at Asin ng ating buhay. 

Lunes, Agosto 22, 2016

Kaya mo yan!

Bakit ang buhay ang hirap?
Kapos naman sa lahat?
Bakit ang hirap magnegosyo sa Pilipinas? Kung wala  kang kapit ang hirap maaprove ang loan?
Samantalang ang iba napakadali lang naman?
Minsan mas napakadaling sumuko kesa lumaban?
Napakadaling umayaw na lang pero hindi ka naman pwedeng umayaw
Bakit ang hirap umangat ang buhay?
Kelan ko kaya matatagpuan ang buhay na maginhawa?
Ano ba ang mga dapat mong gawin para ka guminhawa?

Alam ko na ang problema ay parte na ng buhay ngunit kahit parte na ito ng buhay bakit ayaw ko pa rin ng problema,
Bakit sa mga problemang pinadaanan ko bakit tila ako ay napapanghinahaan na ng loob .
Imbis na mag-isip puro na lang reklamo.
Imbis na gumawa ng paraan nawawalan ng pag-asa
Nagiging mahina ang aking loob imbis na maging matatag at malakas

Pero ang buhay ay parang gulong dapat lang siguro huwag akong mawalan ng pag-asa
Lumaban ka at huwag na huwag kang sumuko.
Habang may buhay at hininga lumaban ka
Kaya mo yan, hindi ka bibigyan ng mga pag-subok sa buhay kung hindi mo kaya
Kaya kaya mo yan bumangon ka mula sa pagkakadapa
Bangon lang
Huwag mong isuko ang laban

Miyerkules, Hunyo 29, 2016

The Bachelor President

Taong 2010 ng ikaw ay umupo bilang Pangulo. Isang Pangulo na pumasan mula sa isang magulong lipunang watak watak at punong puno ng kontrobersya,

Isang bansang tila walang kinabukasan at laging inaapi ng buong mundo.

Isang bansang tinawag na "Sick Man of Asia"
Isang bansang pabagsak at walang patutunguhan.

Hindi ka man naging perpekto presidente, hindi ka man naging magaling na presidente, subalit mula sa artikulo sinulat ng TIME na may Headline na "The New Aquino can Noynoy save the Philippines"

Sa aking pananaw you did a great job to our country, you save our country, through the grace and mercy of God to us by using you as an instrument to save our country from the "SICK MAN of ASIA", now we are the "Asia Rising Star"

Maraming nagsasabi hindi naman nararamdaman ng tao ang iyong ginawa ngunit sa aking palagay bilang isang  small and medium entrepreneur ay malaki ang pinagbago ng ekonomiya at naging malaki ang pagbabago ng pamumuhay noon at ngayon.

Ngayon sa iyong pagbaba bilang pangulo ng Pilipinas, maraming salamat dahil nagawa mong isalba sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipas.

Sabi ng bagong papalit sa iyo "Change is coming" but I think the Change is already done,
We must continue the change for better future
Mabuhay ang Pilipino at mabuhay ang bansang Pilipas

To God All the Glory

Sa aking mga tagasubaybay nandito ang ilang news at link na nagpapatunay ng pagbabago na sitwasyon ng Pilipinas at kayo din pwede din ninyong itanong sa inyong sarili.

Ngunit ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili

http://www.rappler.com/business/economy-watch/68023-philippines-2014-world-economic-forum-global-competitiveness-ranking

http://www.worldbank.org/en/country/philippines/publication/philippine-economic-update-january-2015

http://www.abante.com.ph/muli-salamat-sa-matibay-na-pundasyon-pnoy.htm

Martes, Hunyo 21, 2016

Matatapos ba ang Pangarap?

Katulong,labandera,mag-aadas(tawag Sa mga namumulot ng kamote at singkamas),hampas lupa buti Hindi Amoy lupa, utusan ng mga may ari ng sakahan(Obrero sa salitang Espanyol)Amoy isda dahil naging mangingisda din, Panlalait at Hirap na aking dinanas.
Katulong at labandera ang nanay ko Sa isang mayamang angkan Sa aming bayan minsan tinutulungan ko siya sa pagiging katulong,Ang tatay ko naman ay naging kasama ko Sa paggiging obrero,mag-aadas,at tagalinis ng Bus bago siya pumanaw..
Hirap kung hirap,gutom kung gutom,kaylangan mong kumayod kahit na bata ka pa, Sa edad Kong siyam na taong gulang kaylangan ko ng magsikap Sa buhay para mabuhay.
Kamote at lugaw kung nagtitipid sa bigas ang amin lang kinakain,Palaka,kohol,dagang bukid,tuyo,it log,araro kung walang ulam at madalang lang kung magulam ng karne,
Tiratirang ulam galing Sa amo ng aking ina ang aming ulam kung minsan.
Dalawang kilometro layo ng paaralan ang dapat mong lakarin Sa isang maputik at batobatong daanan,Pisong baon lang ang laman ng bulsa at Kaylangan mong mag baon balot ng dahon ng saging, magtatago kang kumain para Hindi nila makita ulam Mo dahil tuyo o kaya itlog lang ang ulam.
Madami pang hirap ang aking dinanas pero merong isang bagay ang nagbigay sa akin ng lakas para magpatuloy at magpursige sa buhay ay iyon ay ang mangarap.
May kasabihang Hindi masamang ipinanganak kang mahirap ang masama ay kung mamatay kang mahirap.
Mahirap na buhay ang aking kinagisnang buhay kaya ang tanging puhanan ko lang ay isang pangarap. Nangako ako Sa sarili ko na gagawin ko ang lahat makaahon lang kami Sa hirap o guminhawa lang ng konti ang aming buhay.
Kaya kahit tutol ang magulang ko,Taong1996 pagkagraduate ko ng High School lakas loob akong lumuwas ng Manila at tumuloy Sa isang kamag-anak,Habang naghahanap ako ng pwede kong mapasukan trabaho noon ay nabasa ko sa isang tabloid kung tama pa ang memory kung hindi Peoples Journal sa Tempo ko nabasa ,Hindi ko na kasi matandaan ang isang advertisement na naghahanap ng mga qualified scholar ang Dualtech Training Center.
Mataas ang pangarap ko pero wala naman kaming pera para makapasok Sa isang University School..Kaya Hindi ako nag dalawang isip na humingi ng tulong Sa aking Tita at Tito at magpasama sa aking pinsan na samahan ako mag exam. Dumaan ako Sa mahirap na proseso,sa butas ng karayom bago nakapasok at natanggap sa Dualtech Training Center. Sa awa ng Panginoong Maykapal ay nakapasa ako at nakapasok bilang full Scholar ng paaralan.Kapalit na tulong at allowance na binibigay ng aking kamag anak ay naging houseboy nila ako.
Mahabang hirap ang aking dinanas pero ng dahil Sa Isang pangarap,lahat ng hirap aking kinayang lagpasan.Mahalaga ang mangarap dahil eto ang susi Mo Sa kinabukasan. Magiging instrumento para magkaroon ng liwanag at patutunguhan ang buhay.Pangarap na magbibigay lakas para Hindi sumuko..Isang pangarap na maghahatid Sa isang magandang hinaharap...
Matatapos ba ang pangarap? Sa aking palagay hindi,habang may buhay dapat nangarap pa rin tayo.Hindi lang Sa Pamilya natin,Hindi lang Sa kamag anak natin,kung Hindi para Sa ating kapwa at Sa ating minamahal na inang Bayan,para Sa ating bansa.
Sana ang ating isang pangarap ay Hindi nagtatapos Sa ating sarili kung Hindi nagsisimula lang Sa atin patungo Sa isang malaking larawan. Sana ang ating isang pangarap ay Hindi lang tayo at ang ating pamilya ang makikinabang kung Hindi pati ang ating inang bayan.
Pangarap na Hindi lamang pansarili kung Hindi Sa pangkaramihan.
Sana ang ating pangarap ay Hindi lamang para makaahon Sa hirap ang ating pamilya kung Hindi kasama Sa ating pangarap ay magkaroon tayo kahit maliit na bahagi Sa pagbabago ng ating Inang Bayan.

Biyernes, Abril 15, 2016

Sa Bawat Pangarap

Dati nangarap ka lang,ngayon ang pangarap mo ay matutupad na, Dati nais mo lang, ngayon mangyayari na. 

Dati nagdududa ka pa kung magagawa mo bukas April 16, 2016 makakamit mo na.

Sinong makapagsasabi hindi mo kayang gawin,sinong makapagsasabi wala kang kayang gawin.

Ngayon napatunayan mo na kayang mong gawin ang mga bagay na akala ng iba hindi mo kayang gawin

Ngayon ng dahil sa iyong commitment, patient and perseverance ikaw ay makakamit ng tagumpay
Sa bawat pangarap laging merong sakripisyo, laging may mga bagay kang dapat bitawan para makamit mo lang ang isang bagay na makakatulong sa iyo.

Sa larangan ng sports kapag nakita nilang mas lamang sila sa iyo at medyo ikaw ay mahina tatalunin ka nila ng ganung kadali. 

Sa Larong Volleyball kapag nakita nila mas lamang sila sa tangkad iisipin nila kayang kaya ka nila. 
Kapag medyo rookie ka iisipin ng kalabang mong team “Wala yan hindi nila kami kayang talunin”. 
Tatawagin kang underdog dahil hindi ka lamang sa kanila.

Subalit ang underdog ay pwedeng talunin ang malakas,dahil kung sino ang nagprepare,nagcommit,nagpersevere,hinabaan ang pasensya at mas uhaw na uhaw na manalo, ang underdog ang syang mananalo.

Sa buhay kung nais mo talagang ikaw o kayo ay manalo, "Mananalo ka", kung  takot,tamad,ubod ng daming excuses sa buhay at ayaw mong lumaban "Matatalo ka"
.
Kung hindi ka uhaw para magtagumpay kahit kelan hindi ka magtatagumpay.

May kasabihan nga tayo “Nasa Diyos ang awa,nasa tao ang gawa at nasa Diyos din ang pagpapala”

Huwaran na ang inyong nais ay matuto,umunlad at matapos ang isang bagay para sa ikakaunlad ng inyong buhay spiritual,Nagpatuloy tayo sa kabila ng mga pagsubok na ating pinagdadaanan. Umulan,umaraw at bumagyo pumpunta kayo,May pera ka man o wala sumisipot ka pa rin. May pangkain ka man o wala hindi mo na pinapansin. 

Palipat lipat man ng lugar sumusunod ka lang.
Mawalan man ng lugar nagpatuloy ang laban. 
May support man o wala tumuloy ka lang.

Kaya sa iyong pagtatapos naway baunin mo ang mga aral na inyong natutunan,ang mga kwento na dapat ninyong baunin at isapuso at ating gawin ang mga aral na ating inaral.

Dahil mawawalan ng saysay kung hindi natin gagawin ang mga bagay na ating napag-aralan

Ordinaryo ka man sa mata ng iba,,sa iyong ginagawa isang araw magiging extra ordinary ka.

Sa Diyos lamang ang lahat ng papuri at pasasalamat


Sabado, Marso 5, 2016

Bayan Ko

Oh Bayan ko pinagpala ka, ng ibinuhos ni Bathala ang kayamanan at likas na yaman parang sa iyo lahat napunta
Karagatan,kabundukan at kapatagan meron ka
Magandang klima ay nasa iyo na.
Subalit bakit mas madami pa ring mahihirap sa aking bayang isinilang,
Sa bawat bayan may makikita kang mga pulubi na nagpapalimos, mga walang tirahan at kung saan saan na lang matulog.
Minsan may isang bata sa akin ay namalimos,hindi na kaya na aking puso na sya ay hindi pakainin dahil sa kanyang kalagagayan  na madungis at may sugat na namamaga sa paa,
Sa iyong pag-uwi makikita mo ang iba na natutulog sa kanto kasama mga musmos na bata na walang kamuwang muwang at mapapag-isip ka na lang ganito na ba talaga kahirap ang aming bayan.

Oh Bayan ko Bakit sa kabila ng iyong kayamanan at angking kagandahan madami pa rin nagugutom at madami pa ding pinpiling umalis sa bansang ito para sa ibang bansa maghanap ng magandang kapalaran,kahit inaapi ka sa bayang hindi mo sinilangan,iyong titiisin para lang magkaroon ka ng magandang kinabukasan,Kahit katumabas pa nito ang iyong buhay ikaw ay tatahak at makikipagsapalaran sa ibang bansang hindi ka naman ituturing na mamayan.Nakakalungkot isipin at makarinig ng balita  na para tayong mga hayop kung ituring, at kung minalas malas ka pa,bangkay ka na lang na uuwi sa iyong pamilya iniwan.

Sino nga ba ang tunay na may kasalanan?
Sino nga ba ang dapat sisihin? 
Sino nga ba ang dapat managot?
Sino nga ba ang may responsibilidad?

Oh ang aking kamangmangan at aking sarili ang tunay na maysala.
Kawalan ng malasakit sa isat isa at sa gintong iyong pinagkaloob.
Kawalan ng sipag at pagtutuklas,
Kawalan ng tapang at pagtyatyaga
Kawalan ng malasakit at pagpupunyagi
Kawalan ng tunay na pagiging lahing Rizal,Bonifacio at Mabini
Kawalan ng pagiging makalahi at ipagsigawan sa buong daigdig ako ay Pilipino may likas na yaman at talino na kaylan man hindi pinabayaan ng Diyos na bigyan ng kakayahan na kaya kong sumabay sa ibang lahi.


Nakakalungkot isipin na dumaan na ang ilang liderato ng bansa at nakailang liderato na ang aking kinagisnan, puro pangako na sa kanilang mga kamay uunlad ang bawat aking kababayan.Sa aking pananaw ay kaya naman kung hindi nila uunahin ang kanilang sariling kapakanan,kung paiiralin ay malasakit,pagmamahal,at takot sa Diyos tiyak na iyong makakamtan. Kung ang isang namumuno na handang mamatay para sa bayan at itaguyod ang lipunang malinis at hindi panggugulang.

Sino nga ba ang may sala? Oh mas gusto kong sabihin Ako ang may tunay na may sala dahil bulag Ako sa likas mong kayamanan na dapat nating pagyamanin
Ako ang may sala dahil sa aking makasariling pag-iisip at pamumuhay

Ako ang may sala dahil ang nais ko ay kamkamin ang yaman ng Bayan
Ako ang may sala dahil hinahayaan kong maging Alipin ako sa sariling bayan
Ako ang may sala dahil sa aking pag-iisip na ang gusto ay parang maging talangka na hihilahin ang lahat pababa.
Ako ang may sala dahil wala akong paninindigan
Ako ang may sala dahil wala ako pangarap at pangitain
Ako ang may sala dahil binalot ako ng takot at ayaw ng lumaban
Ako ang may sala dahil mas ginusto ko ang maging mangmang
Ako ang may sala dahil mas ginusto ko ang isang utak alipin
Ako ang may sala dahil nanatili ako sa aking maling pag-iisip


Gumising ka isang higanteng natutulog,isang bayang hindi tinalikuran ng lumalang.
Gumising ka at ikaw ay magsikap,itaas mo ang bandila ng iyong bayan.
Gumising ka lahing Rizal,Bonifacio,Mabini,Luna,del Pilar at maraming bayani nagbuhis ng buhay para ikaw lang ay maging isang bansang malaya.
Ito na ang tamang panahon na para makita na natin ang ating tunay na kagandahan at kayamanan na meron tayo.
Tama na ang paninisi sa gobyerno,tama na ang paninisi sa iba,tayo na ang may pananagutan sa ating sarili,sa ating pamilya,sa komunidad,sa kalikasan at sa ating bansa.
Hindi tayo mahirap tayo ay bulag sa kayamanang pinagkaloob sa atin
Hindi tayo alipin tayo ay may talino para maging angat sa ibang lahi
HIndi tayo indio,tayo ay aristocrata
Kaya natin,Kaya natin
Kaya tayo ay Pilipino dahil Pinili kang maging Matalino
Pilipino ako at kaylangan ipagsigawan na kaya nating maging angat sa buong mundo




Lunes, Enero 4, 2016

New Year New Point of View in Life

Happy New Year To all! 2016 na parang kelan lang January 2015,ngayon January 2016.
Kung iyong babalikan ang kahapon parang kelan lang at lumipas na naman ang isang taon.
Maraming pag-subok,maraming problema, maraming issue at maraming marami din naman ang magagandang nangyari sa buhay.

Sabihin mo na kahit anong klaseng nakaraan ang nangyari sa iyo masama man yan o pangit, masakit man yan o mapait, kabiguan man yan o tagumpay kahit ano pa yan tiyak ako mas maraming bagay tayong dapat pasalamatan, dahil sa mga experience na nangyari sa ating buhay kung bubuksan lang ang ating mga mata,puso at isipan tiyak ako marami kang mga bagay na pinagmunimunihan at natutunan sa mga pangyayari naganap sa atin sa nakaraang taon at tiyak din ako magagamit natin ito sa ating hinaharap.

Sa mga experience kaylangan natin alamin kung ano yung mga bagay na dapat na nating iwanan,mga bagay na hindi na natin kaylangan bitbitin para sa ating hinaharap, kaylangan nating pagtuunan ng pansin ang mga aral na pwede makapagbago ng ating point of view in life.

Dahil hangat hindi natin binabago ang ating Point of View in life ay hindi rin magbabago ang magiging takbo ng ating buhay.

Ang pagbabago ng point of view in life ay nagsisimula lahat sa pagkakaroon ng wasto at isang maaliwalas,malawak,malaman at isang tamang pag-iisip upang ang ating buhay magbago rin ang lahat at magkaroon ng maganda at masaganang 2016.

We can make our life to be great this year by changing our point of view in life, from a negative view to a positive view, from a fear attitude to a walk by faith character , from being a materialistic to make a difference.