Walis Tingting (Coconut nib broomsticks) is made from the dried nibs of coconut palms. Isang kagamitan na ginagamit sa panglinis ng bahay, sa sahig, sa dingding,sa kisame at pwede ding pangpatay ng ipis.
Isang kagamitan na ginagamit din panglinis ng kapaligiran, panglinis ng ibat ibang klase ng basura na nakakalat at hindi maganda sa paningin.
Napag-isip mo na ba or namangha ka na ba sa kakayahan na kanyang nagagawa, sa kapakinabangan na ibinibigay nya sa atin.
Naisip mo ba na ang isang simpleng tingting na gawa sa dahon ng niyog ay nakakatulong sa ating buhay.
Pero naisip mo ba na hindi magagawa ng isang pirasong walis tingting na makalinis ng isang bahay at isang baranggay.
Ang buhay ay parang walis tingting, may kasabihan nga na "No man Is an Island" may kanta nga ang lyrics ay ganito "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"
Katulad ng walis tingting, kaylangan isang bugkos or pinagsamasamang mga tingting ang kaylangan para maging isang walis tingting na pwedeng gamitin at makagawa ng isang magiting na gawain.
Sa aking pananaw ang walis tingting ay katulad ng mga ordinaryo tao. Katulad ng karpintero,tricycle driver, jeepney driver, katulong,boy at yaya. Katulad ng mga Secretary, Admin Staff, Martketing Staff,Clerk, Bookeeper, Call Center Agent, Service Crew, Sales Lady at Sales Man.
Mga tao na ang kinikita ay sapat lamang sa pang araw araw na buhay at kahit papaano ay nakakatulong sa kanya kanya pamilya. Subalit kung ang mga taong ito ay iyong pinagsama sama, sila ay nagbuklod-buklod,nagkaroon ng isang adhikain,tamang pananaw ,isang mission na hindi lamang dito sa lupa kunghindi hangang sa buhay na walang hanggan, samahan mo pa ng isang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na lumikha tiyak makakagawa sila ng isang bagay na magbibigay impluwensya sa kapwa.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento