Huwebes, Nobyembre 26, 2015

Katulad ng walis tingting at si Juan

Katulad ng walis tingting na kaylangan mong bumuo ng isang bungkos ng mga tingting,pinag kaisa at pinagsamasama ay makagagawa sya ng isang bagay na magiting.

Katulad ng mga Single na ito ng Juan 1n Christ Single Ministry, Mga simpleng binata at dalaga in short Single Life . Subalit hindi lang sila simpleng single dahil mga breadwinner din sila.
Meron silang mga pamilya na kaylangan nilang suportahan at tulungan

Recently last November 22,2015 ay naganap ang isang event na kung saan or kadalasan,ginagawa lamang ito ng mga taong mayaman,may pera or kung hindi naman ay isang organisasyon  na sinusuportahan ng mga taong may pera or mga taong may kakayahan sa buhay (mga negosyante,politiko,artista,mga milyonaryo at bilyonaryo). Last November 22,2015 sa ganap na 4:00pm ng hapon sa Malibay Pasay ay naganap ang isang outreach na binuo ng Juan 1n Christ Single Ministry na ang pinaka layunin ay maipagdasal,magmalasakit,at ipamahagi ang mabuting balita (Pray,Care and Share)

Ang outreach na ito ay nabuo dahil sa isang nabuong pangarap na makatulong sa kapwa mahirap at maibahagi ang salita ng Diyos.

Nabuo ang outreach na ito dahil lamang sa pahintulot ng Diyos at dahil sa lamang sa mga Single na ang tanging inaasahan at sinasandigan ay ang ating Panginoong Diyos.

Minsan akala natin ang mga ordinaryong tao or tayong mga mahihirap ay hindi na makakagawa ng  isang extra ordinaryong bagay na kagaya ng pagoutreach at pamimigay ng maagang pamasko.


Walang impossible sa taong ang inaasahan lamang ay Diyos, Tama po ang sinabi ko dahil ang mga taong nagorganize ng event na ito ay mga ordinaryong tao, mga taong sa Diyos lamang umaasa ng provision dahil ang mga taong ito ay katulad lang ng isang simpleng walis tingting. Sila ay mga katulong at mga office clerk,admin assistant,sales, offfice clerk at call center agent.

Sila ay nagbuklod at nagkaisa ,nagkaroon ng isang mission. Sa kanilang kakarampot na sahod at kanilang kahirapan, hindi nila hinayaan na ang kahirapan ang maging hadlang para makatulong.
Nagbigay sila ng kanilang mga oras para makabili ng mga giveaways,nagdonate ng mga prizes para sa game,nagluto ng makakain, at ipinamahagi ang kanilang mga talents sa pananahi at paggawa ng bracelet,nagdesign ng venue at nagshare ng salita ng Diyos

Ang Juan 1n Christ Ministry ay binubuo ng mga masang Single na Pilipino na ang layunin ay makatulong sa mga kapwa single,makaencourage sa bawat isa at higit sa lahat ay ang maibahagi ang salita ng Diyos.

Huwag nating hayaang maging hadlang sa ating buhay ang kahirapan at mga problema na ating dinadanas sa buhay specially kung Single ka, hayaan natin na tayo ay matutong umasa,manampalataya,magdasal at magtiwala sa Diyos . Bilang Single ito ang tamang panahon para makagawa ka ng mga bagay ng higit pa sa iyong inaasahan na makaka glorify sa Diyos at makatulong sa ating kapwa.

Mark 9:23English Standard Version (ESV)

23 And Jesus said to him, “‘If you can’! All things are possible for one who believes.” 

Walis Tingting

Walis Tingting (Coconut nib broomsticks) is made from the dried nibs of coconut palms. Isang kagamitan na ginagamit sa panglinis ng bahay, sa sahig, sa dingding,sa kisame at pwede ding pangpatay ng ipis.

Isang kagamitan na ginagamit din panglinis ng kapaligiran, panglinis ng ibat ibang klase ng basura na nakakalat at hindi maganda sa paningin.

Napag-isip mo na ba or namangha ka na ba sa kakayahan na kanyang nagagawa, sa kapakinabangan na ibinibigay nya sa atin. 

Naisip mo ba na ang isang simpleng tingting na gawa sa dahon ng niyog ay nakakatulong sa ating buhay.
Pero naisip mo ba na hindi magagawa ng isang pirasong walis tingting na makalinis ng isang bahay at isang baranggay.

Ang buhay ay parang walis tingting, may kasabihan nga  na  "No man Is an Island" may kanta nga ang lyrics ay ganito "Walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang"

Katulad ng walis tingting, kaylangan isang bugkos or pinagsamasamang mga tingting ang kaylangan para maging isang walis tingting na pwedeng gamitin at makagawa ng isang magiting na gawain.

Sa aking pananaw ang walis tingting ay katulad ng mga ordinaryo tao. Katulad ng karpintero,tricycle driver, jeepney driver, katulong,boy at yaya. Katulad ng mga Secretary, Admin Staff, Martketing Staff,Clerk, Bookeeper, Call Center Agent, Service Crew, Sales Lady at Sales Man.

Mga tao na ang kinikita ay sapat lamang sa pang araw araw na buhay at kahit papaano ay nakakatulong sa kanya kanya pamilya. Subalit kung ang mga taong ito ay iyong pinagsama sama, sila ay nagbuklod-buklod,nagkaroon ng isang adhikain,tamang pananaw ,isang mission na hindi lamang dito sa lupa kunghindi hangang sa buhay na walang hanggan, samahan mo pa ng isang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na lumikha tiyak makakagawa sila ng isang bagay na magbibigay impluwensya sa kapwa.


Linggo, Nobyembre 8, 2015

Isang Bagong Simula ni Juan

Dalawang taon na ang nakakalipas ng umatend ako sa Juan 1n Christ Single Ministry Retreat, It was September,2013.

Dati ang layunin ko lang maibalik ko lang ang sarili ko sa pananampalataya sa Diyos dahil matapos ang ilang taong pagkokompromise sa mundo.

Subalit sa hindi inaasahan ay naging bahagi ako ng ministry ng Juan 1n Christ, Dati gusto ko ng maging volunteer worker noong 2013,subalit hindi pa siguro yun ang tamang panahon para maging volunteer kaya hindi ako nagkaroon ng privilege to serve.

Serving God is a privilege at Mahabang kwento kung paano ako nagkaroon ng bahagi bilang volunteer worker, para sa akin hindi ko talaga totally desire of my heart to be part of this ministry, but because of God and showing me the need not that I want so that I decided to be part of the ministry last June,2014, at malaking bahagi ng Journey ko sa J1C para maging worker ay una si God na syang naglagay sa  akin, pangalawa sa taong ginamit nya si Jay Macatuay. Salamat Jay



Last October 25,2015, we celebrate the 2nd Anniversary of Juan 1n Christ
Sa loob ng isang taon ng aking pagjoin nakita ko ang mga ups and down,subalit mas nais ko nalang makita ang mga pagpapala at mga pintuang binuksan ng Diyos sa ministry,mga buhay na nagbago at maraming salamat sa kanya, God said in Revelation 3:7
7“Write this letter to the angel of the church in Philadelphia.
This is the message from the one who is holy and true,
the one who has the key of David.
What he opens, no one can close;
and what he closes, no one can open:c

Kaya sa isang bagong simula, ay ang patuloy naming naisin,tuklasin at aralin ang buhay ni Hesus at nagsisimula kami na mag-aral at kilalanin pa ng husto ang ating panginoong Hesus na ating Diyos at tagapaligtas.

Hangad naming sabay sabay naming tapusin ang Bagong Tipan at may bonus pang English 101 lesson mula sa mga naging member of J1C. Salamat sa iyo lahat Panginoong Diyos,

“It is a good thing that we are doing this guys. Learning is a continuous process.. And it must be part of God's plan, preparing each one of us so He could better use for his glory. Who knows, He'll be sending one of us someday in places where English is the only means to understand each other, because He wants us to share His gospel there.. Therefore,let us seize the opportunity to learn and gain more knowledge and skills. Let us all learn continuously. Aja!!” May Ann Bagabag


To GOD be the Glory

Martes, Nobyembre 3, 2015

Be Still in Time of Test

Almost two weeks ago when super typhoon, known as Lando landed in the Philippines and damage the northern and central part of Luzon kasama na ang aking Lupang Sinilangan ang isa sa mga nadamage ng bagyo,dahil sa kanyang malakas na hangin at kasamang malakasa na ulan.


Since nandito ako sa Maynila at hindi makauwi dahil sa work at mga commitments na dapat kong gawin at tapusin, Isang bagay ang aking ginawa ay ang maging Be Still and to pray na walang masamang mangyari sa aking pamilya.

Kahit sa gitna ng bagyo patuloy naman ang tawag ko sa aking Ina para makibalita kung ano ang nangyayari. Salamat sa teknolohiya!

Last October 26,2015 I decided to go my hometown para makatulong sa nanay ko na maglinis ng iniwanan ng bagyo dahil hindi naman lingid sa aking kaalaman na kasama kami sa nabaha.

Sa buhay natin madami talaga tayong dadaanang bagyo at mga pagsubok,kadalasan ang mga pagsubok na dumadating sa ating buhay ay kasalanan natin,tayo ang may kasalanan at tayo ang may pagkakamali.
Minsan naman ang mga problema na ating kinahaharap ay hindi natin gawa katulad ng bagyo o di naman kaya gawa ng ibang tao, subalit ganun pa man may mga bagay tayong dapat matutunan.

  1. Be still and know that we have a God who is in control
  2. Prayer is the only weapon to have a communication to God, dahil kahit bulong naririnig ng Diyos ang ating mga dasal at tiyak akong ikaw kanyang sasagutin at tutulungan sa iyong mga dasal
  3. Don't lose your faith and hope to God, dahil siya lang at siya lang ang tunay na maaasahan sa panahon ng mga pagsubok sa buhay
  4. Prepare and expect that test,trial and problem is part of our life, 
  5. Always response and don't react, Laging hanap ng paraan at solusyon, huwag nating iaasa sa sinuman at isisi kaninuman ang ating mga problema, accept the challenge and responsibility 

Kaya dumaan man tayo ng madaming bagyo sa buhay ating tatandaan na ang Diyos ay ang ating pastol at hindi tayo mag-iisa ,bibigyan nya tayo ng bagong pag-asa at kalakasan,sang-ayon sa pangako na kanyang binitiwan.