"Awan iti Kwarta" Kapag may pera ka
"Ada kwartam" Kwarta,Pera, sa Tagalog
Sa English Money,It's all about Money
Oh Buhay,sadyang ang Pera ay kailangan
Pera para ikaw ay magkaroon ng makakain
Pera para ikaw ay makapag-aral
Dahil kung walang pera walang aral
Pera para ikaw ay magkaroon ng damit
May tatak man o wala Pera ang gamit
Para bihisan ang iyon sarili
Sa kwarta ay ang bibihis ng iyong sarili
Upang magkaroon ng magandang tinitirhan
Limpak na kwarta ang iyong kailangan
Para makaporma,magkaroon ng mga alahas at kotse
Huwag kakalimutang limpak na kwarta para magkaalahas at magkakotse
Sa mundong ating gingalawan malaking bahagi ang Kwarta
Pera ang umiiral at iyan ang pawang katotohanan
Paano ka magkakaroon ng mall,hospital at ibat ibang gusali
Kung ang isang negosyo at gobyerno ay walang salapi
Ang Pera o Kwarta ay maganda at mabuti sa lahat
Kung ikaw ay hindi magiging mukhang kwarta
Kaya may kasabihan"Pera Pera na lang ang labanan"
Ito ang masakit na katotohanan na tila mahirap tanggapin
Sa mundong ating ginagalawan hindi lahat ay may pang-unawa
Mapalad ang tao may pang-unawa at habag sa kapwa
Ngunit tila iilan ang mga taong gaya nila
Dahil karamihan sa tao ay walang awa.
Masakit tangapin pero ito ang katotohan
Kapag wala kang pera,ang pagkakataon ay mailap
Na para tila ang pagkakataon ay hindi mo mahanap
At ang mahirap parang lumalayo sa iyo ang mga magagandang ganap
Masakit isipin na minsan ng dahil sa kawalan ng Pera ay sanhi ng kamatayan
Na minsan mas pinipili ng iba ang kitilin ang sariling buhay
Sa kadahilanang ang kawalan ng pera ay sumisimbolo ng kahihiyan at kahinaan
Na kapag wala kang pera,wala ka ring pagkakakilanlan
Minsan ang pinakamalupit sa lahat
Ay ang taong walang pera tapos biglang nagkapera
Dahil kung minsan sino ang galing sa hirap,sya pa ang tila takot maghirap
At ang kapwa nya mahirap noon at tila sya pa ang nagpapahirap
Ito ang katotohan, na kapag walang wala kang pera o kwarta
Kapag lugmok at lagapak ka, at ang pera ay parang hanging hindi mo mahagilap
Ikay ay biktima ng samot saring pang-aapi,pang-aalipusta at pagpapahirap
Mahirap na ang kalagayan at parang lalo ka pang pinahihirapan
Kasalanan man ng tao o hindi ang dahilan ng kanyang kahirapan at kawalan ng Pera
Kasalanan man nya na sya ay nabigo,bumagsak,nadapa o lumagapak ang kanyang kabuhayan
Ang tangi lamang nyang hiling ay tulong hindi limos para sya ay makabangon
Hindi panglalait,pang-aalipusta at paninira ang iyong ibigay kung hindi pang-unawa
Ang magkaroon ng maraming Pera o kayamanan ay hindi masama
Ngunit kung ito ay inyo ng iniibig at sinasamba
Matakot ka dahil wala kang patutunguhan
Dahil wala pang pumanaw na bitbit ang kanyang buong kayamanan