Minsan akala natin tayo na ang pinkamagaling sa mundo
Minsan dahil tayo ang Leader ng isang samahan,organisasyon at komunidad tayo na ang pinakamagaling,pinakamatalino at pinakamakapangyarihan,
Ngunit hindi natin alam at hindi na rin natin namamalayan tayo na din ang sumisira ng lahat
Sa pagiging mahusay na tao may mga bagay na ako ay natutunan na nais kong ibahagi sa inyo.
Sa Pagigiging mas Mabuting Tao kailangan nating Makinig.
Sa panahon ngayon dapat matuto din tayong makinig sa sinasabi ng iba tungkol sa atin,tungkol sa nangyayari sa paligid at tungkol sa maraming bagay bagay na dapat nating ayusin sa ating sarili at sa ating kapaligiran. Kailangan matuto tayong makinig kung ang ating ginagawa ay mali at hindi na tama, Kung hindi na nakakatulong sa nakakarami at ang ating sarili na lang interest ang ating pinakikingan.Sa pakikinig hindi lang isang side lang ang pinakikingan dapat both side.Hindi DIKTATOR ang pinaiiral,kung hindi isang malaya,maayos at mapayapang pamaraan,Hindi init ng ulo ang pinaiiral kung hindi isang sobrang napakahabang pasensya.
Sa Pagiging mas Mabuting Tao Kailangan nating Magpakumbaba
Sa panahon ngayon tila wala na atang gustong magpatalo,tila lahat magaling, tila kung sino ang majority kahit mali sya ang dapat umiral.Kaya ang ending away away ang katapusan at walang hangang bangayan. Sa totoo lang nakakapagod ang ganitong eksena, Walang gustong magpatalo dahil lahat gusto manalo.Bakit kaya hindi natin igalang din ang opinion ng iba, oh baka kailangan din natin pag-aralan ang sinasabi ng iba, baka naman tama sila at tayo ang mali. Sa pagpapakumbaba kailangan nating marealize na hindi tayo laging tama hindi lahat ng ating opinion ay tama at hindi lahat ng ating nais ay makakabuti sa mas nakakarami.Bakit hindi nating gawing Major of the Major Minor of Minor.. Let us choose our fight. Hindi lahat ng laban dapat ay patulan. May mga laban na dapat ipaglaban at may mga laban na hindi na dapat ipaglaban.
Sa Pagiging mas Mabuting Tao Kailangan nating Makilala at Umasa sa Diyos
Sa panahon ngayon ang tao wala ng batayan sa buhay, ang batayan na lang natin ang ating OPINYON,EMOSYON,NARARAMDAMAN, at KARAPATAN. Lagi nating pinaiiral ang kasabihang "Kung saan ka masaya suportahan kita".Kaya kahit masama na ang kinalalabasan tuloy ka parin sa paggawa. Wala tayong basehan at batayan ng isang tunay at totoong batayan ng buhay. Tayo ay mga pipi,bulag at bingi dahil hindi natin alam ang ating tunay na basehan.
Ngunit kung tayo ay maghahanap ng kasagutan at isang tunay na basehan ay 2000 years ng nasulat ang basehan ng katotohanan at ito ay ang Salita ng Diyos na tinatawag nating Bibliya or Bible. Sana kung ating babasahin at isasabuhay nating lahat ang sinasabi ng Bible tiyak na makikilala natin ang ating Panginoong Diyos na siyang lumikha ng langit at lupa, ang syang ating tunay na pag-asa at makapagbibigay ng tunay na pagbabago sa ating buhay para sa pagiging mas mabuting tao. Dahil sa kanyang mga salita ay tunay nating malalaman ang katotohan na syang magpapalaya sa atin sa kahirapan,kaguluhan, at kasamaan.
Dahil si Jesus ang syang tunay na Liwanag at Asin ng ating buhay.