Taong 2010 ng ikaw ay umupo bilang Pangulo. Isang Pangulo na pumasan mula sa isang magulong lipunang watak watak at punong puno ng kontrobersya,
Isang bansang tila walang kinabukasan at laging inaapi ng buong mundo.
Isang bansang tinawag na "Sick Man of Asia"
Isang bansang pabagsak at walang patutunguhan.
Hindi ka man naging perpekto presidente, hindi ka man naging magaling na presidente, subalit mula sa artikulo sinulat ng TIME na may Headline na "The New Aquino can Noynoy save the Philippines"
Sa aking pananaw you did a great job to our country, you save our country, through the grace and mercy of God to us by using you as an instrument to save our country from the "SICK MAN of ASIA", now we are the "Asia Rising Star"
Maraming nagsasabi hindi naman nararamdaman ng tao ang iyong ginawa ngunit sa aking palagay bilang isang small and medium entrepreneur ay malaki ang pinagbago ng ekonomiya at naging malaki ang pagbabago ng pamumuhay noon at ngayon.
Ngayon sa iyong pagbaba bilang pangulo ng Pilipinas, maraming salamat dahil nagawa mong isalba sa patuloy na pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipas.
Sabi ng bagong papalit sa iyo "Change is coming" but I think the Change is already done,
We must continue the change for better future
Mabuhay ang Pilipino at mabuhay ang bansang Pilipas
To God All the Glory
Sa aking mga tagasubaybay nandito ang ilang news at link na nagpapatunay ng pagbabago na sitwasyon ng Pilipinas at kayo din pwede din ninyong itanong sa inyong sarili.
Ngunit ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa ating mga sarili
http://www.rappler.com/business/economy-watch/68023-philippines-2014-world-economic-forum-global-competitiveness-ranking
http://www.worldbank.org/en/country/philippines/publication/philippine-economic-update-january-2015
http://www.abante.com.ph/muli-salamat-sa-matibay-na-pundasyon-pnoy.htm
Miyerkules, Hunyo 29, 2016
Martes, Hunyo 21, 2016
Matatapos ba ang Pangarap?
Katulong,labandera,mag-aadas(tawag Sa mga namumulot ng kamote at singkamas),hampas lupa buti Hindi Amoy lupa, utusan ng mga may ari ng sakahan(Obrero sa salitang Espanyol)Amoy isda dahil naging mangingisda din, Panlalait at Hirap na aking dinanas.
Katulong at labandera ang nanay ko Sa isang mayamang angkan Sa aming bayan minsan tinutulungan ko siya sa pagiging katulong,Ang tatay ko naman ay naging kasama ko Sa paggiging obrero,mag-aadas,at tagalinis ng Bus bago siya pumanaw..
Hirap kung hirap,gutom kung gutom,kaylangan mong kumayod kahit na bata ka pa, Sa edad Kong siyam na taong gulang kaylangan ko ng magsikap Sa buhay para mabuhay.
Kamote at lugaw kung nagtitipid sa bigas ang amin lang kinakain,Palaka,kohol,dagang bukid,tuyo,it log,araro kung walang ulam at madalang lang kung magulam ng karne,
Tiratirang ulam galing Sa amo ng aking ina ang aming ulam kung minsan.
Tiratirang ulam galing Sa amo ng aking ina ang aming ulam kung minsan.
Dalawang kilometro layo ng paaralan ang dapat mong lakarin Sa isang maputik at batobatong daanan,Pisong baon lang ang laman ng bulsa at Kaylangan mong mag baon balot ng dahon ng saging, magtatago kang kumain para Hindi nila makita ulam Mo dahil tuyo o kaya itlog lang ang ulam.
Madami pang hirap ang aking dinanas pero merong isang bagay ang nagbigay sa akin ng lakas para magpatuloy at magpursige sa buhay ay iyon ay ang mangarap.
May kasabihang Hindi masamang ipinanganak kang mahirap ang masama ay kung mamatay kang mahirap.
Mahirap na buhay ang aking kinagisnang buhay kaya ang tanging puhanan ko lang ay isang pangarap. Nangako ako Sa sarili ko na gagawin ko ang lahat makaahon lang kami Sa hirap o guminhawa lang ng konti ang aming buhay.
Kaya kahit tutol ang magulang ko,Taong1996 pagkagraduate ko ng High School lakas loob akong lumuwas ng Manila at tumuloy Sa isang kamag-anak,Habang naghahanap ako ng pwede kong mapasukan trabaho noon ay nabasa ko sa isang tabloid kung tama pa ang memory kung hindi Peoples Journal sa Tempo ko nabasa ,Hindi ko na kasi matandaan ang isang advertisement na naghahanap ng mga qualified scholar ang Dualtech Training Center.
Mataas ang pangarap ko pero wala naman kaming pera para makapasok Sa isang University School..Kaya Hindi ako nag dalawang isip na humingi ng tulong Sa aking Tita at Tito at magpasama sa aking pinsan na samahan ako mag exam. Dumaan ako Sa mahirap na proseso,sa butas ng karayom bago nakapasok at natanggap sa Dualtech Training Center. Sa awa ng Panginoong Maykapal ay nakapasa ako at nakapasok bilang full Scholar ng paaralan.Kapalit na tulong at allowance na binibigay ng aking kamag anak ay naging houseboy nila ako.
Mahabang hirap ang aking dinanas pero ng dahil Sa Isang pangarap,lahat ng hirap aking kinayang lagpasan.Mahalaga ang mangarap dahil eto ang susi Mo Sa kinabukasan. Magiging instrumento para magkaroon ng liwanag at patutunguhan ang buhay.Pangarap na magbibigay lakas para Hindi sumuko..Isang pangarap na maghahatid Sa isang magandang hinaharap...
Matatapos ba ang pangarap? Sa aking palagay hindi,habang may buhay dapat nangarap pa rin tayo.Hindi lang Sa Pamilya natin,Hindi lang Sa kamag anak natin,kung Hindi para Sa ating kapwa at Sa ating minamahal na inang Bayan,para Sa ating bansa.
Sana ang ating isang pangarap ay Hindi nagtatapos Sa ating sarili kung Hindi nagsisimula lang Sa atin patungo Sa isang malaking larawan. Sana ang ating isang pangarap ay Hindi lang tayo at ang ating pamilya ang makikinabang kung Hindi pati ang ating inang bayan.
Pangarap na Hindi lamang pansarili kung Hindi Sa pangkaramihan.
Sana ang ating pangarap ay Hindi lamang para makaahon Sa hirap ang ating pamilya kung Hindi kasama Sa ating pangarap ay magkaroon tayo kahit maliit na bahagi Sa pagbabago ng ating Inang Bayan.
Sana ang ating pangarap ay Hindi lamang para makaahon Sa hirap ang ating pamilya kung Hindi kasama Sa ating pangarap ay magkaroon tayo kahit maliit na bahagi Sa pagbabago ng ating Inang Bayan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)