Oh Bayan ko pinagpala ka, ng ibinuhos ni Bathala ang kayamanan at likas na yaman parang sa iyo lahat napunta
Karagatan,kabundukan at kapatagan meron ka
Magandang klima ay nasa iyo na.
Subalit bakit mas madami pa ring mahihirap sa aking bayang isinilang,
Sa bawat bayan may makikita kang mga pulubi na nagpapalimos, mga walang tirahan at kung saan saan na lang matulog.
Minsan may isang bata sa akin ay namalimos,hindi na kaya na aking puso na sya ay hindi pakainin dahil sa kanyang kalagagayan na madungis at may sugat na namamaga sa paa,
Sa iyong pag-uwi makikita mo ang iba na natutulog sa kanto kasama mga musmos na bata na walang kamuwang muwang at mapapag-isip ka na lang ganito na ba talaga kahirap ang aming bayan.
Oh Bayan ko Bakit sa kabila ng iyong kayamanan at angking kagandahan madami pa rin nagugutom at madami pa ding pinpiling umalis sa bansang ito para sa ibang bansa maghanap ng magandang kapalaran,kahit inaapi ka sa bayang hindi mo sinilangan,iyong titiisin para lang magkaroon ka ng magandang kinabukasan,Kahit katumabas pa nito ang iyong buhay ikaw ay tatahak at makikipagsapalaran sa ibang bansang hindi ka naman ituturing na mamayan.Nakakalungkot isipin at makarinig ng balita na para tayong mga hayop kung ituring, at kung minalas malas ka pa,bangkay ka na lang na uuwi sa iyong pamilya iniwan.
Sino nga ba ang tunay na may kasalanan?
Sino nga ba ang dapat sisihin?
Sino nga ba ang dapat managot?
Sino nga ba ang may responsibilidad?
Oh ang aking kamangmangan at aking sarili ang tunay na maysala.
Kawalan ng malasakit sa isat isa at sa gintong iyong pinagkaloob.
Kawalan ng sipag at pagtutuklas,
Kawalan ng tapang at pagtyatyaga
Kawalan ng malasakit at pagpupunyagi
Kawalan ng tunay na pagiging lahing Rizal,Bonifacio at Mabini
Kawalan ng pagiging makalahi at ipagsigawan sa buong daigdig ako ay Pilipino may likas na yaman at talino na kaylan man hindi pinabayaan ng Diyos na bigyan ng kakayahan na kaya kong sumabay sa ibang lahi.
Nakakalungkot isipin na dumaan na ang ilang liderato ng bansa at nakailang liderato na ang aking kinagisnan, puro pangako na sa kanilang mga kamay uunlad ang bawat aking kababayan.Sa aking pananaw ay kaya naman kung hindi nila uunahin ang kanilang sariling kapakanan,kung paiiralin ay malasakit,pagmamahal,at takot sa Diyos tiyak na iyong makakamtan. Kung ang isang namumuno na handang mamatay para sa bayan at itaguyod ang lipunang malinis at hindi panggugulang.
Sino nga ba ang may sala? Oh mas gusto kong sabihin Ako ang may tunay na may sala dahil bulag Ako sa likas mong kayamanan na dapat nating pagyamanin
Ako ang may sala dahil sa aking makasariling pag-iisip at pamumuhay
Ako ang may sala dahil ang nais ko ay kamkamin ang yaman ng Bayan
Ako ang may sala dahil hinahayaan kong maging Alipin ako sa sariling bayan
Ako ang may sala dahil sa aking pag-iisip na ang gusto ay parang maging talangka na hihilahin ang lahat pababa.
Ako ang may sala dahil wala akong paninindigan
Ako ang may sala dahil wala ako pangarap at pangitain
Ako ang may sala dahil binalot ako ng takot at ayaw ng lumaban
Ako ang may sala dahil mas ginusto ko ang maging mangmang
Ako ang may sala dahil mas ginusto ko ang isang utak alipin
Ako ang may sala dahil nanatili ako sa aking maling pag-iisip
Gumising ka isang higanteng natutulog,isang bayang hindi tinalikuran ng lumalang.
Gumising ka at ikaw ay magsikap,itaas mo ang bandila ng iyong bayan.
Gumising ka lahing Rizal,Bonifacio,Mabini,Luna,del Pilar at maraming bayani nagbuhis ng buhay para ikaw lang ay maging isang bansang malaya.
Ito na ang tamang panahon na para makita na natin ang ating tunay na kagandahan at kayamanan na meron tayo.
Tama na ang paninisi sa gobyerno,tama na ang paninisi sa iba,tayo na ang may pananagutan sa ating sarili,sa ating pamilya,sa komunidad,sa kalikasan at sa ating bansa.
Hindi tayo mahirap tayo ay bulag sa kayamanang pinagkaloob sa atin
Hindi tayo alipin tayo ay may talino para maging angat sa ibang lahi
HIndi tayo indio,tayo ay aristocrata
Kaya natin,Kaya natin
Kaya tayo ay Pilipino dahil Pinili kang maging Matalino
Pilipino ako at kaylangan ipagsigawan na kaya nating maging angat sa buong mundo